Ang Pamilya At Kabataan Ni Andres Bonifacio

hIpinanganak si Andres sa isang maliit na kubo sa Kalye Azcarraga (na ngayon ay Claro M. Recto Avenue), Tondo,Maynila noong 30 Nobyrmbre 1863. Ang kanyang amay ay si Santiago Bonifacio, samantalang sinasabing isangmestiza Espanyola ang kanyang ina na si Catalina de Castro. Ikinasal ang mga magulang ni Andres noong 24, Enero 1863.Mula Taguig sa lalawigan ng Maynila si Santiago, isangbangkero, na anak nina Vicente Bonifacio at AlejandraRosales, samantalang mula Zambales naman si Catalina,anak ng Espanyol na si Martin de Castro at AntoniaGregorio.

Manggagawa si Catalina sa pagawaan ng mgasigarilyo. Sa Tondo nanirahan sina Santiago at Catalina. Panganay na anak si Andres Bonifacio. Pinangalanansiyang Andres dahil ang patrong santo sa araw ngpagsilang ay si San Andres. Naging ninong niAndres sa binyag si Vicente Molina, na kalauna’y sumapisa Katipunan. Nagkaroon si Andres ng limang kapatid:sina Ciriaco, Procopio, Espiridiona, Troadio, at Maxima.Bukod kay Andres, naging kasapi ni Katipunan sina Ciriaco, Procopio, at Espiridiona. Sa edad na 14 taon, tumayo bilang ama si Andres sa kanyang limang nakababatang kapatid sapagkat maagang namatay ang kanilang mga magulang. Kinailangan niyang itigil ang kanyang pag-aaral upang suportahan ang kanyang mga kapatid. Habang sinusuportahan ni Andres ang kanyang mgakapatid, ipinagpatuloy niya ang kanyang pagsasanayupang matuto. Nagkaroon siya ng pagkakataong matutong Espanyol habang nagtatrabaho sa mga dayuhangkompanya at nakapagbasa ng mga akda mula sa Espanya,katulad ng isang salin sa Espanyol ng RebolusyongPranses, isang aklat hinggil sa mga pangulo ng EstadosUnidos, ang mga nobela ni Rizal at iba pa. (http://elearning.nhcp.gov.ph/pinaglabanan-shrine/)

Leave a comment